May nagkusang nag-alay ng buhay Niya, Nang ang gaya ko ay maligtas, At ang hirap sa krus timtimang binata Nang sa sala ako'y mahugas.
REFRAIN
Nangapako sa krus sala kong impok Kusang-loob Niyang dinala! Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos Sa pag-ako Niya sa sala!
Siya ay matiyaga at matiisin, Nang ako'y nililinis Niya, Lahat ng sala ko'y sa krus ibinitin, Kaya't ako nama'y ligtas na.
Si Jesus ay hindi ko hihiwalayan Sa paglakad ko'y namamalas, May awit ang pusong sa bibig taglay Na ang sala ko ay nahugas